Filipino (Tagalog) Translation
Translation of the Quran meanings into Tagalog by Rowwad Translation Center with cooperation with Islamhouse.com
ٱلۡقَارِعَةُ
Ang Tagakalampag.
مَا ٱلۡقَارِعَةُ
Ano ang Tagakalampag?
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡقَارِعَةُ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Tagakalampag?
يَوۡمَ يَكُونُ ٱلنَّاسُ كَٱلۡفَرَاشِ ٱلۡمَبۡثُوثِ
Sa Araw na [iyon], ang mga tao ay magiging para bang mga gamugamong pinakalat
وَتَكُونُ ٱلۡجِبَالُ كَٱلۡعِهۡنِ ٱلۡمَنفُوشِ
at ang mga bundok ay magiging para bang mga lanang nahimulmol.
فَأَمَّا مَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ
Kaya hinggil naman sa sinumang bumigat [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,
فَهُوَ فِي عِيشَةٖ رَّاضِيَةٖ
siya ay nasa isang pamumuhay na nakalulugod.
وَأَمَّا مَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ
Hinggil naman sa sinumang gumaan [sa kabutihan] ang mga timbangan niya,
فَأُمُّهُۥ هَاوِيَةٞ
ang kanlungan niya ay kailaliman [ng Impiyerno].
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا هِيَهۡ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano iyon?
نَارٌ حَامِيَةُۢ
[Iyon ay] isang Apoy na napakainit.
مشاركة عبر