Filipino (Tagalog) Translation
Translation of the Quran meanings into Tagalog by Rowwad Translation Center with cooperation with Islamhouse.com
وَيۡلٞ لِّكُلِّ هُمَزَةٖ لُّمَزَةٍ
Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na mapanirang-puri,
ٱلَّذِي جَمَعَ مَالٗا وَعَدَّدَهُۥ
na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito,
يَحۡسَبُ أَنَّ مَالَهُۥٓ أَخۡلَدَهُۥ
habang nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya.
كَلَّاۖ لَيُنۢبَذَنَّ فِي ٱلۡحُطَمَةِ
Aba’y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak.
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡحُطَمَةُ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak?
نَارُ ٱللَّهِ ٱلۡمُوقَدَةُ
[Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na ginagatungan,
ٱلَّتِي تَطَّلِعُ عَلَى ٱلۡأَفۡـِٔدَةِ
na nanunuot sa mga puso.
إِنَّهَا عَلَيۡهِم مُّؤۡصَدَةٞ
Tunay na [Impiyernong] ito sa kanila ay itataklob
فِي عَمَدٖ مُّمَدَّدَةِۭ
sa mga haliging binanat.
مشاركة عبر