آیت :
76
وَإِن كَادُواْ لَيَسۡتَفِزُّونَكَ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ لِيُخۡرِجُوكَ مِنۡهَاۖ وَإِذٗا لَّا يَلۡبَثُونَ خِلَٰفَكَ إِلَّا قَلِيلٗا
Tunay na halos sila ay talagang nang-uuto sa iyo [na lumisan] mula sa lupain [ng Makkah] upang magpalabas sila sa iyo mula roon; at samakatuwid, hindi sila mamalagi pagkaiwan mo kundi sa kaunting [panahon].
آیت :
77
سُنَّةَ مَن قَدۡ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِن رُّسُلِنَاۖ وَلَا تَجِدُ لِسُنَّتِنَا تَحۡوِيلًا
[Iyan ay] bilang kalakaran sa sinumang isinugo na Namin bago mo kabilang sa mga sugo Namin. Hindi ka nakatatagpo para sa kalakaran Namin ng isang pagpapabago.
آیت :
78
أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِدُلُوكِ ٱلشَّمۡسِ إِلَىٰ غَسَقِ ٱلَّيۡلِ وَقُرۡءَانَ ٱلۡفَجۡرِۖ إِنَّ قُرۡءَانَ ٱلۡفَجۡرِ كَانَ مَشۡهُودٗا
Magpanatili ka ng pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagpusikit ng gabi at ng [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw; tunay na ang [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel].
آیت :
79
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَتَهَجَّدۡ بِهِۦ نَافِلَةٗ لَّكَ عَسَىٰٓ أَن يَبۡعَثَكَ رَبُّكَ مَقَامٗا مَّحۡمُودٗا
Mula sa gabi ay magdasal ka rito bilang karagdagang dasal para sa iyo; marahil buhayin ka ng Panginoon mo sa isang katayuang pinapupurihan.
آیت :
80
وَقُل رَّبِّ أَدۡخِلۡنِي مُدۡخَلَ صِدۡقٖ وَأَخۡرِجۡنِي مُخۡرَجَ صِدۡقٖ وَٱجۡعَل لِّي مِن لَّدُنكَ سُلۡطَٰنٗا نَّصِيرٗا
Sabihin mo: “Panginoon ko, magpapasok Ka sa akin sa pasukan ng katapatan, magpalabas Ka sa akin sa labasan ng katapatan, at gumawa Ka para sa akin mula sa nasa Iyo ng isang kapamahalaang mapag-adya.”
آیت :
81
وَقُلۡ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَزَهَقَ ٱلۡبَٰطِلُۚ إِنَّ ٱلۡبَٰطِلَ كَانَ زَهُوقٗا
Sabihin mo: “Dumating ang katotohanan at naparam ang kabulaanan. Tunay na ang kabulaanan ay laging napaparam.”
آیت :
82
وَنُنَزِّلُ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِ مَا هُوَ شِفَآءٞ وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَا يَزِيدُ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا خَسَارٗا
Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya, at walang naidaragdag ito sa mga tagalabag sa katarungan kundi isang pagkalugi.
آیت :
83
وَإِذَآ أَنۡعَمۡنَا عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ أَعۡرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ كَانَ يَـُٔوسٗا
Kapag nagbiyaya Kami sa tao ay umaayaw siya at naglalayo ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, siya ay nagiging walang-wala ang pag-asa.
آیت :
84
قُلۡ كُلّٞ يَعۡمَلُ عَلَىٰ شَاكِلَتِهِۦ فَرَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَنۡ هُوَ أَهۡدَىٰ سَبِيلٗا
Sabihin mo: “Bawat isa ay gumagawa ayon sa pamamaraan niya, ngunit ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa sinumang siya ay higit na napatnubayan sa landas.”
آیت :
85
وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلرُّوحِۖ قُلِ ٱلرُّوحُ مِنۡ أَمۡرِ رَبِّي وَمَآ أُوتِيتُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِ إِلَّا قَلِيلٗا
Nagtatanong sila[298] sa iyo tungkol sa kaluluwa. Sabihin mo: “Ang kaluluwa ay kabilang sa nauukol sa Panginoon ko at hindi kayo binigyan ng kaalaman kundi kakaunti.”
آیت :
86
وَلَئِن شِئۡنَا لَنَذۡهَبَنَّ بِٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ بِهِۦ عَلَيۡنَا وَكِيلًا
Talagang kung niloob Namin ay talaga sanang mag-aalis nga Kami ng ikinasi Namin sa iyo, pagkatapos hindi ka makakatagpo para sa iyo kaugnay rito laban sa Amin ng isang pinananaligan [sa pagpapanumbalik],