آیت :
21
۞ وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ نَرَىٰ رَبَّنَاۗ لَقَدِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ وَعَتَوۡ عُتُوّٗا كَبِيرٗا
Nagsabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: “Bakit kasi hindi pinababa sa amin ang mga anghel o [hindi] kami nakakikita sa Panginoon namin.” Talaga ngang nagmalaki sila sa mga sarili nila at nagpakasutil sila sa isang pagpapakasutil na malaki.
آیت :
22
يَوۡمَ يَرَوۡنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ لَا بُشۡرَىٰ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُجۡرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا
Sa Araw na makikita nila ang mga anghel, walang balitang nakagagalak sa araw na iyon para sa mga salarin at magsasabi [ang mga anghel]: “[Ang balitang nakagagalak ay naging] isang hadlang na hinadlangan!”
آیت :
23
وَقَدِمۡنَآ إِلَىٰ مَا عَمِلُواْ مِنۡ عَمَلٖ فَجَعَلۡنَٰهُ هَبَآءٗ مَّنثُورًا
Tutuon Kami sa anumang ginawa nila na gawain saka gagawa Kami rito na gaya ng alabok na ikinalat.[364]
آیت :
24
أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ يَوۡمَئِذٍ خَيۡرٞ مُّسۡتَقَرّٗا وَأَحۡسَنُ مَقِيلٗا
Ang mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon ay higit na mabuti sa pagtitigilan at higit na maganda sa pahihingahan.
آیت :
25
وَيَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلسَّمَآءُ بِٱلۡغَمَٰمِ وَنُزِّلَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ تَنزِيلًا
[Banggitin] ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit na may mga ulap at ibababa ang mga anghel sa [maramihang] pagbababa.
آیت :
26
ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّ لِلرَّحۡمَٰنِۚ وَكَانَ يَوۡمًا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ عَسِيرٗا
Ang paghahari, sa Araw na iyon, na totoo ay ukol sa Pinakamaawain. Iyon ay magiging isang Araw na mahirap laban sa mga tagatangging sumampalataya.
آیت :
27
وَيَوۡمَ يَعَضُّ ٱلظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيۡهِ يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي ٱتَّخَذۡتُ مَعَ ٱلرَّسُولِ سَبِيلٗا
[Banggitin] ang araw na kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya, na nagsasabi: “O kung sana ako ay tumahak kasama sa Sugo sa landas.
آیت :
28
يَٰوَيۡلَتَىٰ لَيۡتَنِي لَمۡ أَتَّخِذۡ فُلَانًا خَلِيلٗا
O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa kay Polano bilang matalik na kaibigan.
آیت :
29
لَّقَدۡ أَضَلَّنِي عَنِ ٱلذِّكۡرِ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَنِيۗ وَكَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لِلۡإِنسَٰنِ خَذُولٗا
Talaga ngang nagligaw siya sa akin palayo sa pag-alaala matapos noong dumating ito sa akin. Laging ang demonyo para sa tao ay mapagkanulo.”
آیت :
30
وَقَالَ ٱلرَّسُولُ يَٰرَبِّ إِنَّ قَوۡمِي ٱتَّخَذُواْ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ مَهۡجُورٗا
Nagsabi ang Sugo [sa Araw na iyon]: “O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko ay gumawa sa Qur’ān na ito bilang isinasaisang-tabi.”
آیت :
31
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوّٗا مِّنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيٗا وَنَصِيرٗا
Gayon Kami nagtalaga para sa bawat propeta ng isang kaaway kabilang sa mga salarin. Nakasapat ang Panginoon mo bilang Tagapagpatnubay at bilang Mapag-adya.
آیت :
32
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلۡقُرۡءَانُ جُمۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِۦ فُؤَادَكَۖ وَرَتَّلۡنَٰهُ تَرۡتِيلٗا
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi hindi ibinaba sa kanya ang Qur’ān nang nag-iisang kabuuan?” [Ang pagbababang] gayon ay upang magpatatag Kami sa pamamagitan niyon sa puso mo. Bumigkas Kami nito nang [unti-unting] pagbigkas.