آیت :
19
وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَعۡمَىٰ وَٱلۡبَصِيرُ
Hindi nagkakapantay ang bulag at ang nakakikita,
آیت :
20
وَلَا ٱلظُّلُمَٰتُ وَلَا ٱلنُّورُ
ni hindi ang mga kadiliman at ang liwanag,
آیت :
21
وَلَا ٱلظِّلُّ وَلَا ٱلۡحَرُورُ
ni ang lilim at ang init.
آیت :
22
وَمَا يَسۡتَوِي ٱلۡأَحۡيَآءُ وَلَا ٱلۡأَمۡوَٰتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُسۡمِعُ مَن يَشَآءُۖ وَمَآ أَنتَ بِمُسۡمِعٖ مَّن فِي ٱلۡقُبُورِ
Hindi nagkakapantay ang mga buhay at ang mga patay. Tunay na si Allāh ay nagpaparinig sa sinumang niloloob Niya samantalang ikaw ay hindi tagapagparinig sa sinumang mga nasa mga libingan.
آیت :
23
إِنۡ أَنتَ إِلَّا نَذِيرٌ
Walang iba ka kundi isang mapagbabala.
آیت :
24
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ بَشِيرٗا وَنَذِيرٗاۚ وَإِن مِّنۡ أُمَّةٍ إِلَّا خَلَا فِيهَا نَذِيرٞ
Tunay na Kami ay nagsugo sa iyo, [O Muḥammad,] kalakip ng katotohanan bilang mapagbalita ng nakagagalak[479] at bilang mapagbabala. [480] Walang anumang kalipunan malibang may nagdaan doon na isang mapagbabala.
آیت :
25
وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَبِٱلزُّبُرِ وَبِٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُنِيرِ
Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, nagpasinungaling nga ang mga bago pa nila. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila [ula kay Allāh] ng mga malinaw na patunay, ng mga kautusan, at ng kasulatang nagbibigay-liwanag.
آیت :
26
ثُمَّ أَخَذۡتُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْۖ فَكَيۡفَ كَانَ نَكِيرِ
Pagkatapos dumaklot Ako sa mga tumangging sumampalataya kaya magiging papaano ang pagtutol Ko?
آیت :
27
أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ أَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦ ثَمَرَٰتٖ مُّخۡتَلِفًا أَلۡوَٰنُهَاۚ وَمِنَ ٱلۡجِبَالِ جُدَدُۢ بِيضٞ وَحُمۡرٞ مُّخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهَا وَغَرَابِيبُ سُودٞ
Hindi mo ba nakita na si Allāh ay nagpababa mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas sa pamamagitan nito ng mga bungang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito. Mula sa mga bundok ay may mga guhit na puti at pula, na magkakaiba ang mga pagkakulay ng mga ito, at may mga matingkad na itim.
آیت :
28
وَمِنَ ٱلنَّاسِ وَٱلدَّوَآبِّ وَٱلۡأَنۡعَٰمِ مُخۡتَلِفٌ أَلۡوَٰنُهُۥ كَذَٰلِكَۗ إِنَّمَا يَخۡشَى ٱللَّهَ مِنۡ عِبَادِهِ ٱلۡعُلَمَٰٓؤُاْۗ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ غَفُورٌ
Mayroon sa mga tao, mga umuusad na hayop, at mga hayupang nagkakaiba-iba ang mga kulay ng mga ito gayon din. Tanging natatakot kay Allāh kabilang sa mga lingkod Niya ang mga nakaaalam. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Mapagpatawad.
آیت :
29
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَتۡلُونَ كِتَٰبَ ٱللَّهِ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَنفَقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ يَرۡجُونَ تِجَٰرَةٗ لَّن تَبُورَ
Tunay na ang mga bumibigkas ng Aklat ni Allāh, nagpanatili ng pagdarasal, at gumugol mula sa itinustos sa kanila nang palihim at hayagan ay nag-aasam ng isang pangangalakal na hindi mapaririwara,
آیت :
30
لِيُوَفِّيَهُمۡ أُجُورَهُمۡ وَيَزِيدَهُم مِّن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ غَفُورٞ شَكُورٞ
upang maglulubus-lubos Siya sa kanila ng mga pabuya sa kanila at magdagdag Siya sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya ay Mapagpatawad, Mapagpasalamat.