آیت :
154
مَا لَكُمۡ كَيۡفَ تَحۡكُمُونَ
Ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol?[491]
آیت :
155
أَفَلَا تَذَكَّرُونَ
Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala?[492]
آیت :
156
أَمۡ لَكُمۡ سُلۡطَٰنٞ مُّبِينٞ
O mayroon ba kayong isang katunayang malinaw?
آیت :
157
فَأۡتُواْ بِكِتَٰبِكُمۡ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Kaya maglahad kayo ng kasulatan ninyo kung kayo ay mga tapat.
آیت :
158
وَجَعَلُواْ بَيۡنَهُۥ وَبَيۡنَ ٱلۡجِنَّةِ نَسَبٗاۚ وَلَقَدۡ عَلِمَتِ ٱلۡجِنَّةُ إِنَّهُمۡ لَمُحۡضَرُونَ
Gumawa sila sa pagitan Niya at ng mga [anghel na] nakakubli ng isang pagkakamag-anak. Talaga ngang nalaman ng mga [anghel na] nakakubli na tunay na sila ay talagang mga padadaluhin [sa pagtutuos].
آیت :
159
سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang inilalarawan nila [na maling paniniwala],
آیت :
160
إِلَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
maliban sa mga itinanging lingkod ni Allāh.
آیت :
161
فَإِنَّكُمۡ وَمَا تَعۡبُدُونَ
Kaya tunay na kayo at ang anumang sinasamba ninyo,
آیت :
162
مَآ أَنتُمۡ عَلَيۡهِ بِفَٰتِنِينَ
kayo palayo sa Kanya ay hindi mga makatutukso,
آیت :
163
إِلَّا مَنۡ هُوَ صَالِ ٱلۡجَحِيمِ
maliban sa sinumang masusunog sa Impiyerno.
آیت :
164
وَمَا مِنَّآ إِلَّا لَهُۥ مَقَامٞ مَّعۡلُومٞ
[Magsasabi ang mga anghel]: “Walang kabilang sa amin malibang mayroon siyang isang katayuang nalalaman.
آیت :
165
وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلصَّآفُّونَ
Tunay na kami [na mga anghel] ay talagang kami ang mga nakahilera [sa pagsamba kay Allāh].
آیت :
166
وَإِنَّا لَنَحۡنُ ٱلۡمُسَبِّحُونَ
Tunay na kami ay talagang kami ang mga tagapagluwalhati.”
آیت :
167
وَإِن كَانُواْ لَيَقُولُونَ
Tunay na sila [na mga tagapagtambal] ay talagang nagsasabi dati:
آیت :
168
لَوۡ أَنَّ عِندَنَا ذِكۡرٗا مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
“Kung sakaling mayroon tayong isang paalaala mula sa mga sinauna,
آیت :
169
لَكُنَّا عِبَادَ ٱللَّهِ ٱلۡمُخۡلَصِينَ
talaga sanang tayo ay naging mga itinatanging lingkod ni Allāh.”
آیت :
170
فَكَفَرُواْ بِهِۦۖ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila.
آیت :
171
وَلَقَدۡ سَبَقَتۡ كَلِمَتُنَا لِعِبَادِنَا ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Talaga ngang nauna ang salita Namin para sa mga lingkod Naming mga isinugo:
آیت :
172
إِنَّهُمۡ لَهُمُ ٱلۡمَنصُورُونَ
Tunay na sila, ukol sa kanila [na maging] ang mga iaadya;
آیت :
173
وَإِنَّ جُندَنَا لَهُمُ ٱلۡغَٰلِبُونَ
at tunay na ang mga kawal Namin, ukol sa kanila [na maging] ang tagadaig.
آیت :
174
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ
Kaya tumalikod ka palayo sa kanila [na mga tagatangging sumampalataya] hanggang sa isang panahon.
آیت :
175
وَأَبۡصِرۡهُمۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ
Tumingin ka sa kanila [na parurusahan] sapagkat makikita nila.
آیت :
176
أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ
Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali sila?
آیت :
177
فَإِذَا نَزَلَ بِسَاحَتِهِمۡ فَسَآءَ صَبَاحُ ٱلۡمُنذَرِينَ
Ngunit kapag bumaba ito sa bakuran nila, kay sagwa ang umaga ng mga binalaan!
آیت :
178
وَتَوَلَّ عَنۡهُمۡ حَتَّىٰ حِينٖ
Tumalikod ka palayo sa kanila hanggang sa isang panahon.
آیت :
179
وَأَبۡصِرۡ فَسَوۡفَ يُبۡصِرُونَ
Tumingin ka sapagkat makikita nila.
آیت :
180
سُبۡحَٰنَ رَبِّكَ رَبِّ ٱلۡعِزَّةِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kaluwalhatian sa Panginoon mo, ang Panginoon ng Kapangyarihan, higit sa anumang inilalarawan nila [na mga katangian ng kakulangan].
آیت :
181
وَسَلَٰمٌ عَلَى ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Kapayapaan sa mga isinugo [ni Allāh].
آیت :
182
وَٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.