آیت :
74
إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي عَذَابِ جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ
Tunay na ang mga salarin sa pagdurusa sa Impiyerno ay mga mananatili.
آیت :
75
لَا يُفَتَّرُ عَنۡهُمۡ وَهُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ
Hindi patatamlayin ito para sa kanila, habang sila roon ay mga nalulumbay.
آیت :
76
وَمَا ظَلَمۡنَٰهُمۡ وَلَٰكِن كَانُواْ هُمُ ٱلظَّٰلِمِينَ
Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila subalit sila dati ay ang mga tagalabag sa katarungan.
آیت :
77
وَنَادَوۡاْ يَٰمَٰلِكُ لِيَقۡضِ عَلَيۡنَا رَبُّكَۖ قَالَ إِنَّكُم مَّٰكِثُونَ
Mananawagan sila: “O Mālik,[552] magpawakas sa amin ang Panginoon mo.” Magsasabi siya: “Tunay na kayo ay mga mamamalagi.”
آیت :
78
لَقَدۡ جِئۡنَٰكُم بِٱلۡحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَكُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ
Talaga ngang naghatid Kami sa inyo ng katotohanan subalit ang higit na marami sa inyo sa katotohanan ay mga nasusuklam.
آیت :
79
أَمۡ أَبۡرَمُوٓاْ أَمۡرٗا فَإِنَّا مُبۡرِمُونَ
O nagpatibay sila ng isang usapin saka tunay na Kami ay tagapagpatibay?
آیت :
80
أَمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّا لَا نَسۡمَعُ سِرَّهُمۡ وَنَجۡوَىٰهُمۚ بَلَىٰ وَرُسُلُنَا لَدَيۡهِمۡ يَكۡتُبُونَ
O nag-aakala sila na tunay na Kami ay hindi nakaririnig ng lihim nila at pagsasarilinan nila? Bagkus [nakaririnig], at ang mga sugo Namin sa piling nila ay nagtatala.
آیت :
81
قُلۡ إِن كَانَ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٞ فَأَنَا۠ أَوَّلُ ٱلۡعَٰبِدِينَ
Sabihin mo: “Kung nagkaroon ang Napakamaawain ng isang anak, ako ay ang una sa mga tagasamba.”
آیت :
82
سُبۡحَٰنَ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَرۡشِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kaluwalhatian sa Panginoon ng mga langit at lupa, Panginoon ng Trono, higit sa anumang inilalarawan nila.[553]
آیت :
83
فَذَرۡهُمۡ يَخُوضُواْ وَيَلۡعَبُواْ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي يُوعَدُونَ
Kaya hayaan mo silang sumuong [sa kabulaanan] at maglaro hanggang sa makipagkita sila sa araw nilang ipinangangako sa kanila.
آیت :
84
وَهُوَ ٱلَّذِي فِي ٱلسَّمَآءِ إِلَٰهٞ وَفِي ٱلۡأَرۡضِ إِلَٰهٞۚ وَهُوَ ٱلۡحَكِيمُ ٱلۡعَلِيمُ
Siya ang sa langit ay Diyos at sa lupa ay Diyos. Siya ay ang Marunong, ang Maalam.
آیت :
85
وَتَبَارَكَ ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَعِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Napakamapagpala ang sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Nasa Kanya ang kaalaman sa Huling Sandali at tungo sa Kanya pababalikin kayo [para tuusin].
آیت :
86
وَلَا يَمۡلِكُ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَن شَهِدَ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ يَعۡلَمُونَ
Hindi nakapagdudulot ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ng pamamagitan maliban sa mga sumaksi sa katotohanan habang sila ay nakaaalam [sa sinaksihan nila].
آیت :
87
وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَهُمۡ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۖ فَأَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha sa kanila ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Kaya paanong nalilinlang sila?
آیت :
88
وَقِيلِهِۦ يَٰرَبِّ إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمٞ لَّا يُؤۡمِنُونَ
[Nakaaalam si Allāh] sa sabi niya: “O Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay mga taong hindi sumasampalataya.”
آیت :
89
فَٱصۡفَحۡ عَنۡهُمۡ وَقُلۡ سَلَٰمٞۚ فَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ
Kaya umiwas ka sa kanila at magsabi ka: “Kapayapaan!” sapagkat malalaman nila [ang daranasing parusa].