آیت :
1
إِنَّآ أَنزَلۡنَٰهُ فِي لَيۡلَةِ ٱلۡقَدۡرِ
Tunay na Kami ay nagpababa nitong [Qur’ān] sa Gabi ng Pagtatakda.
آیت :
2
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا لَيۡلَةُ ٱلۡقَدۡرِ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi ng Pagtatakda?
آیت :
3
لَيۡلَةُ ٱلۡقَدۡرِ خَيۡرٞ مِّنۡ أَلۡفِ شَهۡرٖ
Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan.
آیت :
4
تَنَزَّلُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ وَٱلرُّوحُ فِيهَا بِإِذۡنِ رَبِّهِم مِّن كُلِّ أَمۡرٖ
Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip ng bawat utos.
آیت :
5
سَلَٰمٌ هِيَ حَتَّىٰ مَطۡلَعِ ٱلۡفَجۡرِ
Kapayapaan ito – hanggang sa paglitaw ng madaling-araw.