آیت :
155
فَبِمَا نَقۡضِهِم مِّيثَٰقَهُمۡ وَكُفۡرِهِم بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَقَتۡلِهِمُ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖ وَقَوۡلِهِمۡ قُلُوبُنَا غُلۡفُۢۚ بَلۡ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَيۡهَا بِكُفۡرِهِمۡ فَلَا يُؤۡمِنُونَ إِلَّا قَلِيلٗا
Kaya [isinumpa sila] dahil sa pagkalas nila sa tipan sa kanila, sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda ni Allāh, sa pagpatay nila sa mga propeta nang walang karapatan, sa at pagsabi nila: “Ang mga puso namin ay binalot,” bagkus nagpinid si Allāh sa mga ito dahil sa kawalang-pananampalataya nila kaya hindi sila sumasampalataya malibang kaunti.
آیت :
156
وَبِكُفۡرِهِمۡ وَقَوۡلِهِمۡ عَلَىٰ مَرۡيَمَ بُهۡتَٰنًا عَظِيمٗا
[Isinumpa sila] dahil sa kawalang-pananampalataya nila, sa pagsabi nila laban kay Maria ng isang paninirang-puring sukdulan,
آیت :
157
وَقَوۡلِهِمۡ إِنَّا قَتَلۡنَا ٱلۡمَسِيحَ عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ رَسُولَ ٱللَّهِ وَمَا قَتَلُوهُ وَمَا صَلَبُوهُ وَلَٰكِن شُبِّهَ لَهُمۡۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِيهِ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُۚ مَا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٍ إِلَّا ٱتِّبَاعَ ٱلظَّنِّۚ وَمَا قَتَلُوهُ يَقِينَۢا
at sa pagsabi nila: “Tunay na kami ay pumatay sa Kristo Jesus na anak ni Maria, na Sugo ni Allāh.” Hindi sila nakapatay sa kanya at hindi sila nagpako sa kanya sa krus subalit may pinahawig[125] sa kanya para sa kanila. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kanya ay talagang nasa isang pagdududa hinggil sa kanya. Walang ukol sa kanila hinggil sa kanya na anumang kaalaman maliban sa pagsunod sa palagay. Hindi sila nakapatay sa kanya sa katiyakan,
آیت :
158
بَل رَّفَعَهُ ٱللَّهُ إِلَيۡهِۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمٗا
bagkus nag-angat sa kanya [ng katawan at kaluluwa] si Allāh tungo sa Kanya. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
آیت :
159
وَإِن مِّنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ إِلَّا لَيُؤۡمِنَنَّ بِهِۦ قَبۡلَ مَوۡتِهِۦۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَكُونُ عَلَيۡهِمۡ شَهِيدٗا
Walang kabilang sa mga May Kasulatan malibang talagang sasampalataya nga sa kanya[126] bago ng kamatayan niya. Sa Araw ng Pagbangon, siya laban sa kanila ay magiging isang saksi.[127]
آیت :
160
فَبِظُلۡمٖ مِّنَ ٱلَّذِينَ هَادُواْ حَرَّمۡنَا عَلَيۡهِمۡ طَيِّبَٰتٍ أُحِلَّتۡ لَهُمۡ وَبِصَدِّهِمۡ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ كَثِيرٗا
Kaya dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa mga nagpakahudyo ay nagbawal sa kanila ng mga kaaya-ayang ipinahintulot [dati] sa kanila, at dahil sa pagsagabal nila sa landas ni Allāh nang madalas,
آیت :
161
وَأَخۡذِهِمُ ٱلرِّبَوٰاْ وَقَدۡ نُهُواْ عَنۡهُ وَأَكۡلِهِمۡ أَمۡوَٰلَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡبَٰطِلِۚ وَأَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ مِنۡهُمۡ عَذَابًا أَلِيمٗا
pagkuha nila ng patubo, gayong sinaway na sila kaugnay rito, at paglamon nila sa mga yaman ng mga tao sa kawalang-saysay. Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
آیت :
162
لَّٰكِنِ ٱلرَّٰسِخُونَ فِي ٱلۡعِلۡمِ مِنۡهُمۡ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ يُؤۡمِنُونَ بِمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكَ وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبۡلِكَۚ وَٱلۡمُقِيمِينَ ٱلصَّلَوٰةَۚ وَٱلۡمُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَٱلۡمُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِ أُوْلَٰٓئِكَ سَنُؤۡتِيهِمۡ أَجۡرًا عَظِيمًا
Subalit ang mga nagpakalalim sa kaalaman kabilang sa kanila at ang mga mananampalataya ay sumasampalataya sa anumang pinababa sa iyo at anumang pinababa bago mo pa. Ang mga tagapanatili sa pagdarasal [lalo na], ang mga tagabigay ng zakāh, at ang mga mananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, ang mga iyon ay bibigyan ng isang pabuyang sukdulan.