آیت :
1
وَٱلنَّجۡمِ إِذَا هَوَىٰ
Sumpa man sa bituin kapag lumubog ito,
آیت :
2
مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمۡ وَمَا غَوَىٰ
Hindi naligaw ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] at hindi siya nalisya.
آیت :
3
وَمَا يَنطِقُ عَنِ ٱلۡهَوَىٰٓ
Hindi siya bumibigkas ayon sa [sariling] pithaya.
آیت :
4
إِنۡ هُوَ إِلَّا وَحۡيٞ يُوحَىٰ
Walang iba ito kundi isang kasi na ikinakasi sa kanya.
آیت :
5
عَلَّمَهُۥ شَدِيدُ ٱلۡقُوَىٰ
Nagturo sa kanya ang [anghel na] matindi ang lakas,
آیت :
6
ذُو مِرَّةٖ فَٱسۡتَوَىٰ
[si Anghel Gabriel] na may kapangyarihan saka tumindig [ayon sa anyo ng pagkakalikha],
آیت :
7
وَهُوَ بِٱلۡأُفُقِ ٱلۡأَعۡلَىٰ
habang ito ay nasa [bahagi ng] abot-tanaw na pinakamataas.
آیت :
8
ثُمَّ دَنَا فَتَدَلَّىٰ
Pagkatapos lumapit ito saka pumanaog ito.
آیت :
9
فَكَانَ قَابَ قَوۡسَيۡنِ أَوۡ أَدۡنَىٰ
Kaya ito ay naging nasa layo ng dalawang pana o higit na malapit.
آیت :
10
فَأَوۡحَىٰٓ إِلَىٰ عَبۡدِهِۦ مَآ أَوۡحَىٰ
Kaya nagkasi Siya sa lingkod Niya ng ikinasi Niya.
آیت :
11
مَا كَذَبَ ٱلۡفُؤَادُ مَا رَأَىٰٓ
Hindi nagsinungaling ang puso [ng Propeta] sa nakita niya.
آیت :
12
أَفَتُمَٰرُونَهُۥ عَلَىٰ مَا يَرَىٰ
Kaya makikipagtaltalan ba kayo sa kanya sa nakikita niya?
آیت :
13
وَلَقَدۡ رَءَاهُ نَزۡلَةً أُخۡرَىٰ
Talaga ngang nakita niya [si Gabriel na] ito sa iba pang pagkababa,
آیت :
14
عِندَ سِدۡرَةِ ٱلۡمُنتَهَىٰ
sa tabi ng [punong] Sidrah ng Pinagwawakasan,
آیت :
15
عِندَهَا جَنَّةُ ٱلۡمَأۡوَىٰٓ
sa tabi nito ang Hardin ng Kanlungan,
آیت :
16
إِذۡ يَغۡشَى ٱلسِّدۡرَةَ مَا يَغۡشَىٰ
noong bumabalot sa [punong] Sidrah ang bumabalot.
آیت :
17
مَا زَاغَ ٱلۡبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ
Hindi lumiko ang paningin [ni Propeta Muḥammad] at hindi ito lumampas.
آیت :
18
لَقَدۡ رَأَىٰ مِنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِ ٱلۡكُبۡرَىٰٓ
Talaga ngang may nakita siya mula sa pinakamalaking mga tanda ng Panginoon Niya.
آیت :
19
أَفَرَءَيۡتُمُ ٱللَّٰتَ وَٱلۡعُزَّىٰ
Kaya nakaisip ba kayo [O mga tagapagtambal] kina Allāt at Al`uzzā,[596]
آیت :
20
وَمَنَوٰةَ ٱلثَّالِثَةَ ٱلۡأُخۡرَىٰٓ
at kay Manāh, ang ikatlong iba pa?
آیت :
21
أَلَكُمُ ٱلذَّكَرُ وَلَهُ ٱلۡأُنثَىٰ
Ukol ba sa inyo ang lalaki at ukol sa Kanya ang babae?
آیت :
22
تِلۡكَ إِذٗا قِسۡمَةٞ ضِيزَىٰٓ
Iyon, sa makatuwid, ay isang paghahating liku-liko.
آیت :
23
إِنۡ هِيَ إِلَّآ أَسۡمَآءٞ سَمَّيۡتُمُوهَآ أَنتُمۡ وَءَابَآؤُكُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ بِهَا مِن سُلۡطَٰنٍۚ إِن يَتَّبِعُونَ إِلَّا ٱلظَّنَّ وَمَا تَهۡوَى ٱلۡأَنفُسُۖ وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّن رَّبِّهِمُ ٱلۡهُدَىٰٓ
Walang iba ang mga [diyus-diyusang] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay.
آیت :
24
أَمۡ لِلۡإِنسَٰنِ مَا تَمَنَّىٰ
O ukol ba sa [bawat] tao ang anumang [tagapamagitang] minithi niya?
آیت :
25
فَلِلَّهِ ٱلۡأٓخِرَةُ وَٱلۡأُولَىٰ
Ngunit sa kay Allāh ang huling buhay at ang unang buhay.
آیت :
26
۞ وَكَم مِّن مَّلَكٖ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ لَا تُغۡنِي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـًٔا إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ أَن يَأۡذَنَ ٱللَّهُ لِمَن يَشَآءُ وَيَرۡضَىٰٓ
Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya.