آیت :
105
حَقِيقٌ عَلَىٰٓ أَن لَّآ أَقُولَ عَلَى ٱللَّهِ إِلَّا ٱلۡحَقَّۚ قَدۡ جِئۡتُكُم بِبَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّكُمۡ فَأَرۡسِلۡ مَعِيَ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Karapat-dapat na hindi ako magsabi tungkol kay Allāh malibang ng totoo. Nagdala nga ako sa inyo ng isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo kaya ipadala mo kasama sa akin ang mga anak ni Israel.
آیت :
106
قَالَ إِن كُنتَ جِئۡتَ بِـَٔايَةٖ فَأۡتِ بِهَآ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Nagsabi ito:[178] “Kung ikaw ay nagdala ng isang tanda, maglahad ka nito kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat.”
آیت :
107
فَأَلۡقَىٰ عَصَاهُ فَإِذَا هِيَ ثُعۡبَانٞ مُّبِينٞ
Kaya pumukol siya[179] ng tungkod niya at biglang ito ay isang ulupong na malinaw.
آیت :
108
وَنَزَعَ يَدَهُۥ فَإِذَا هِيَ بَيۡضَآءُ لِلنَّٰظِرِينَ
Humugot siya ng kamay niya at biglang ito ay maputi para sa mga tagatingin.
آیت :
109
قَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِ فِرۡعَوۡنَ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌ عَلِيمٞ
Nagsabi ang konseho kabilang sa mga tao ni Paraon: “Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na maalam.
آیت :
110
يُرِيدُ أَن يُخۡرِجَكُم مِّنۡ أَرۡضِكُمۡۖ فَمَاذَا تَأۡمُرُونَ
Nagnanais siya na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo kaya ano ang ipag-uutos ninyo?”
آیت :
111
قَالُوٓاْ أَرۡجِهۡ وَأَخَاهُ وَأَرۡسِلۡ فِي ٱلۡمَدَآئِنِ حَٰشِرِينَ
Nagsabi sila: “Mag-antala ka sa kanya at sa kapatid niya at magsugo ka sa mga lungsod ng mga tagakalap,
آیت :
112
يَأۡتُوكَ بِكُلِّ سَٰحِرٍ عَلِيمٖ
na magdadala sa iyo ng bawat manggaway na maalam.”
آیت :
113
وَجَآءَ ٱلسَّحَرَةُ فِرۡعَوۡنَ قَالُوٓاْ إِنَّ لَنَا لَأَجۡرًا إِن كُنَّا نَحۡنُ ٱلۡغَٰلِبِينَ
Dumating ang mga manggagaway kay Paraon. Nagsabi sila: “Tunay na mayroon kami talagang pabuya kung kami ay ang mga tagapanaig.”
آیت :
114
قَالَ نَعَمۡ وَإِنَّكُمۡ لَمِنَ ٱلۡمُقَرَّبِينَ
Nagsabi iyon: “Oo, at tunay na kayo ay talagang kabilang sa mga inilapit [sa akin].”
آیت :
115
قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ نَحۡنُ ٱلۡمُلۡقِينَ
Nagsabi sila: “O Moises, maaari na pumukol ka at maaari na maging kami mismo ang mga tagapukol.”
آیت :
116
قَالَ أَلۡقُواْۖ فَلَمَّآ أَلۡقَوۡاْ سَحَرُوٓاْ أَعۡيُنَ ٱلنَّاسِ وَٱسۡتَرۡهَبُوهُمۡ وَجَآءُو بِسِحۡرٍ عَظِيمٖ
Nagsabi siya: “Pumukol kayo.” Kaya noong pumukol sila ay gumaway sila sa mga mata ng mga tao, nagpangilabot sila sa mga ito, at naghatid sila ng isang panggagaway na sukdulan.
آیت :
117
۞ وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۖ فَإِذَا هِيَ تَلۡقَفُ مَا يَأۡفِكُونَ
Nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: “Pumukol ka ng tungkod mo,” kaya biglang ito ay lumalamon sa ipinanlilinlang nila.
آیت :
118
فَوَقَعَ ٱلۡحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Kaya napagtibay ang katotohanan at napawalang-saysay ang dati nilang ginagawa.
آیت :
119
فَغُلِبُواْ هُنَالِكَ وَٱنقَلَبُواْ صَٰغِرِينَ
Kaya nadaig sila[180] roon at umuwi na mga nanliliit.
آیت :
120
وَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سَٰجِدِينَ
Ipinukol ang mga manggagaway, na mga nakapatirapa [kay Allāh].