آیت :
1
لَآ أُقۡسِمُ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
Talagang sumusumpa Ako sa bayang ito
آیت :
2
وَأَنتَ حِلُّۢ بِهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ
habang ikaw ay napahihintulutan [na gumawa ng anuman] sa bayang ito [ng Makkah].
آیت :
3
وَوَالِدٖ وَمَا وَلَدَ
Sumpa man sa isang nag-anak [na si Adan] at sa inanak niya,
آیت :
4
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِي كَبَدٍ
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pagpapakahirap.
آیت :
5
أَيَحۡسَبُ أَن لَّن يَقۡدِرَ عَلَيۡهِ أَحَدٞ
Nag-aakala ba siya na walang nakakakaya sa kanya na isa man?
آیت :
6
يَقُولُ أَهۡلَكۡتُ مَالٗا لُّبَدًا
Magsasabi siya: “Umubos ako ng isang tambak na yaman.”
آیت :
7
أَيَحۡسَبُ أَن لَّمۡ يَرَهُۥٓ أَحَدٌ
Nag-aakala ba siya na walang nakakita sa kanya na isa man?
آیت :
8
أَلَمۡ نَجۡعَل لَّهُۥ عَيۡنَيۡنِ
Hindi ba Kami gumawa para sa kanya ng dalawang mata,
آیت :
9
وَلِسَانٗا وَشَفَتَيۡنِ
isang dila, at dalawang labi?
آیت :
10
وَهَدَيۡنَٰهُ ٱلنَّجۡدَيۡنِ
Nagpatnubay Kami sa kanya sa dalawang daanan [ng kabutihan at kasamaan].
آیت :
11
فَلَا ٱقۡتَحَمَ ٱلۡعَقَبَةَ
Ngunit hindi kasi siya sumugod sa matarik na daan.
آیت :
12
وَمَآ أَدۡرَىٰكَ مَا ٱلۡعَقَبَةُ
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang matarik na daan?
آیت :
13
فَكُّ رَقَبَةٍ
[Ito ay] isang pagpapalaya sa isang alipin,
آیت :
14
أَوۡ إِطۡعَٰمٞ فِي يَوۡمٖ ذِي مَسۡغَبَةٖ
o pagpapakain sa isang araw na may taggutom
آیت :
15
يَتِيمٗا ذَا مَقۡرَبَةٍ
sa isang ulilang may pagkakamag-anak
آیت :
16
أَوۡ مِسۡكِينٗا ذَا مَتۡرَبَةٖ
o sa isang dukhang may paghihikahos.
آیت :
17
ثُمَّ كَانَ مِنَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلصَّبۡرِ وَتَوَاصَوۡاْ بِٱلۡمَرۡحَمَةِ
Pagkatapos naging kabilang siya sa mga sumampalataya at nagtagubilinan ng pagtitiis at nagtagubilinan ng pagkaawa.
آیت :
18
أُوْلَٰٓئِكَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَيۡمَنَةِ
Ang mga iyon ay ang mga kasamahan sa dakong kanan.
آیت :
19
وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا هُمۡ أَصۡحَٰبُ ٱلۡمَشۡـَٔمَةِ
Ang mga tumangging sumampalataya sa talata Namin [sa Qur’ān] ay ang mga kasamahan sa dakong kaliwa.
آیت :
20
عَلَيۡهِمۡ نَارٞ مُّؤۡصَدَةُۢ
Sa ibabaw nila ay may apoy na nakataklob.