د قرآن کریم د معناګانو ژباړه

فلیپیني (تجالوج) ژباړه

Scan the qr code to link to this page

سورة الإنسان - Sūrah Al-Insān (Ang Tao)

د مخ نمبر

آیت

د آیت د متن ښودل
د حاشيې ښودل
Share this page

آیت : 1
هَلۡ أَتَىٰ عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ ٱلدَّهۡرِ لَمۡ يَكُن شَيۡـٔٗا مَّذۡكُورًا
May dumating kaya sa tao na isang yugto mula sa panahon na hindi siya naging isang bagay na nababanggit?
آیت : 2
إِنَّا خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٍ أَمۡشَاجٖ نَّبۡتَلِيهِ فَجَعَلۡنَٰهُ سَمِيعَۢا بَصِيرًا
Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na mga pinaghalo[701] upang sumubok Kami sa kanya, saka gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita.
[701] naghalong likido ng punlay ng lalaki at likido ng sinapupunan ng babae.
آیت : 3
إِنَّا هَدَيۡنَٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرٗا وَإِمَّا كَفُورًا
Tunay na Kami ay nagpatnubay sa kanya sa landas, na maaaring maging isang tagapagpasalamat at maaaring maging isang mapagtangging magpasalamat.
آیت : 4
إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَلَٰسِلَاْ وَأَغۡلَٰلٗا وَسَعِيرًا
Tunay na Kami ay naglaan para sa mga tagatangging sumampalataya ng mga tanikala, mga kulyar, at isang liyab.
آیت : 5
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ يَشۡرَبُونَ مِن كَأۡسٖ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا
Tunay na ang mga mabuting-loob [sa Kabilang-buhay] ay iinom mula sa kopa [ng alak] na ang halo nito ay Kāfūr,

آیت : 6
عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا
na isang bukal na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, habang nagpapabulwak sila roon nang isang pagpapabulwak.
آیت : 7
يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا
Nagpapatupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging maglilipana.
آیت : 8
وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا
Nagpapakain sila ng pagkain, sa kabila ng pagkaibig dito, sa dukha, ulila, at bihag.
آیت : 9
إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا
[Sinasabi nila sa mga sarili]: “Nagpapakain lamang kami sa inyo para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh; hindi kami nagnanais mula sa inyo ng isang ganti ni isang pasasalamat.
آیت : 10
إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا
Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na nakasimangot, na nakaismid.”
آیت : 11
فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا
Kaya magsasanggalang sa kanila si Allāh sa kasamaan ng Araw na iyon at maggagawad Siya sa kanila ng ningning at galak.
آیت : 12
وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا
Gaganti Siya sa kanila, dahil nagtiis sila, ng hardin at [kasuutang] sutla.
آیت : 13
مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا
Mga nakasandal doon [sa Paraiso] sa mga supa, hindi sila makakikita roon ng araw [na nakapipinsala] ni ng pagkalamig-lamig.
آیت : 14
وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا
Nakalapit sa ibabaw nila ang mga lilim nito, padadaliin ang mga napipitas doon sa isang pagpapadali.
آیت : 15
وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠
Magpapalibot sa kanila ng mga pinggang yari sa pilak at mga basong naging mga kristal,
آیت : 16
قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا
mga kristal na yari sa pilak, na sumukat sila ng mga ito sa isang pagsukat.
آیت : 17
وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا
Paiinumin sila roon ng isang kopa [ng alak] na ang panghalo nito ay luya
آیت : 18
عَيۡنٗا فِيهَا تُسَمَّىٰ سَلۡسَبِيلٗا
[mula sa] isang bukal doon na pinangangalanang Salsabīl.
آیت : 19
۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا
May lilibot sa kanila na mga [na naglilingkod na] batang lalaki na mga pinamalaging [bata]. Kapag nakita mo sila ay mag-aakala kang sila ay mga perlas na ikinalat.
آیت : 20
وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا
Kapag nakakita ka roon ay makakikita ka ng isang kaginhawahan at isang paghaharing malaki.
آیت : 21
عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا
May nakasuot sa kanila na mga kasuutan na manipis na sutlang luntian at makapal na sutla, hihiyasan sila ng mga pulseras na yari sa pilak, at magpapainom sa kanila ang Panginoon nila ng inuming kadali-dalisay.
آیت : 22
إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا
[Sasabihin]: “Tunay na ito ay naging para sa inyo bilang ganti at ang pagpupunyagi ninyo ay naging isang kinikilala.”
آیت : 23
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا
Tunay na Kami ay nagbaba sa iyo [O Propeta Muḥammad] ng Qur’ān sa isang [unti-unting] pagbababa.
آیت : 24
فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا
Kaya magtiis ka sa kahatulan ng Panginoon mo at huwag kang tumalima kabilang sa kanila sa isang nagkakasala o isang mapagtangging magpasalamat.
آیت : 25
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا
Alalahanin mo ang ngalan ng Panginoon mo sa umaga at sa hapon.

آیت : 26
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَٱسۡجُدۡ لَهُۥ وَسَبِّحۡهُ لَيۡلٗا طَوِيلًا
Sa bahagi ng gabi[702] ay magpatirapa ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya sa [bahagi ng] gabi nang matagal.[703]
[702] sa dasal sa pagkalubog ng araw at dasal sa gabi at kusang-loob na dasal sa gabi [703] sa dasal na tahajjud.
آیت : 27
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمۡ يَوۡمٗا ثَقِيلٗا
Tunay na ang mga ito ay umiibig sa Panandaliang-buhay at nag-iiwan sa likuran nila ng [paggawa para sa] isang araw na mabigat.
آیت : 28
نَّحۡنُ خَلَقۡنَٰهُمۡ وَشَدَدۡنَآ أَسۡرَهُمۡۖ وَإِذَا شِئۡنَا بَدَّلۡنَآ أَمۡثَٰلَهُمۡ تَبۡدِيلًا
Kami ay lumikha sa kanila at nagpapatatag sa pagkalalang sa kanila. Kapag niloob Namin ay magpapalit Kami [sa kanila] ng mga tulad nila sa isang pagpapalit.
آیت : 29
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا
Tunay na ito ay isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ay gumawa siya tungo sa Panginoon niya ng isang landas.
آیت : 30
وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا
Hindi ninyo loloobin maliban na loobin ni Allāh. Tunay na si Allāh ay laging Maalam, Marunong.
آیت : 31
يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمَۢا
Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya sa awa niya samantalang sa mga tagalabag sa katarungan[704] ay naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
[704] na nagtatambal kay Allāh o gumagawa ng malalaking nakapagpapahamak na kasalanan.
په کامیابۍ سره ولیږل شو