آیت :
96
أُحِلَّ لَكُمۡ صَيۡدُ ٱلۡبَحۡرِ وَطَعَامُهُۥ مَتَٰعٗا لَّكُمۡ وَلِلسَّيَّارَةِۖ وَحُرِّمَ عَلَيۡكُمۡ صَيۡدُ ٱلۡبَرِّ مَا دُمۡتُمۡ حُرُمٗاۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ إِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ
Ipinahintulot para sa inyo ang nahuhuli sa dagat at ang pagkain doon bilang natatamasa para sa inyo at para sa mga manlalakbay. Ipinagbawal sa inyo ang nahuhuli sa katihan hanggat kayo ay nananatiling mga nasa iḥrām. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na tungo sa Kanya kakalapin kayo [para gantihan].
آیت :
97
۞ جَعَلَ ٱللَّهُ ٱلۡكَعۡبَةَ ٱلۡبَيۡتَ ٱلۡحَرَامَ قِيَٰمٗا لِّلنَّاسِ وَٱلشَّهۡرَ ٱلۡحَرَامَ وَٱلۡهَدۡيَ وَٱلۡقَلَٰٓئِدَۚ ذَٰلِكَ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ يَعۡلَمُ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَنَّ ٱللَّهَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٌ
Ginawa ni Allāh ang Ka`bah, ang Bahay na Pinakababanal, bilang pagpapanatili para sa mga tao, ang Buwang Pinakababanal, ang alay, at ang mga nakakuwintas. Iyon ay upang makaalam kayo na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa at na si Allāh, sa bawat bagay, ay Maalam.
آیت :
98
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ وَأَنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa at na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
آیت :
99
مَّا عَلَى ٱلرَّسُولِ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تُبۡدُونَ وَمَا تَكۡتُمُونَ
Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot. Si Allāh ay nakaaalam sa anumang ihinahayag ninyo at sa anumang itinatago ninyo.
آیت :
100
قُل لَّا يَسۡتَوِي ٱلۡخَبِيثُ وَٱلطَّيِّبُ وَلَوۡ أَعۡجَبَكَ كَثۡرَةُ ٱلۡخَبِيثِۚ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
Sabihin mo: “Hindi nagkakapantay ang karima-rimarim at ang kaaya-aya, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim.” Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
آیت :
101
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَسۡـَٔلُواْ عَنۡ أَشۡيَآءَ إِن تُبۡدَ لَكُمۡ تَسُؤۡكُمۡ وَإِن تَسۡـَٔلُواْ عَنۡهَا حِينَ يُنَزَّلُ ٱلۡقُرۡءَانُ تُبۡدَ لَكُمۡ عَفَا ٱللَّهُ عَنۡهَاۗ وَٱللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٞ
O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito. Kung magtatanong kayo tungkol sa mga ito sa sandaling ibinababa ang Qur’ān ay ihahayag ang mga ito sa inyo. Nagpaumanhin si Allāh sa mga [bagay na] ito. Si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin.
آیت :
102
قَدۡ سَأَلَهَا قَوۡمٞ مِّن قَبۡلِكُمۡ ثُمَّ أَصۡبَحُواْ بِهَا كَٰفِرِينَ
May nagtanong nga ng mga ito na mga tao bago pa ninyo, pagkatapos sila sa mga ito ay naging mga tagatangging sumampalataya.
آیت :
103
مَا جَعَلَ ٱللَّهُ مِنۢ بَحِيرَةٖ وَلَا سَآئِبَةٖ وَلَا وَصِيلَةٖ وَلَا حَامٖ وَلَٰكِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۖ وَأَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ
Hindi nagtalaga si Allāh ng baḥīrah, ni sā’ibah, ni waṣīlah, ni ḥāmī, subalit ang mga tumangging sumampalataya ay gumawa-gawa kay Allāh ng kasinungalingan, at ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.[156]