آیت :
13
وَأَنَا ٱخۡتَرۡتُكَ فَٱسۡتَمِعۡ لِمَا يُوحَىٰٓ
Ako ay pumili sa iyo kaya makinig ka sa ikakasi:
آیت :
14
إِنَّنِيٓ أَنَا ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدۡنِي وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِذِكۡرِيٓ
Tunay na Ako ay si Allāh; walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba ka sa Akin at magpanatili ka ng pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin.
آیت :
15
إِنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٌ أَكَادُ أُخۡفِيهَا لِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا تَسۡعَىٰ
Tunay na ang Huling Sandali ay darating. Halos ako ay magkubli nito upang gantimpalaan ang bawat kaluluwa sa anumang ipinagpunyagi nito.
آیت :
16
فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنۡهَا مَن لَّا يُؤۡمِنُ بِهَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ فَتَرۡدَىٰ
Kaya huwag ngang bumalakid sa iyo palayo roon ang sinumang hindi sumasampalataya roon at sumunod sa pithaya niya para [hindi] ka mapahamak.
آیت :
17
وَمَا تِلۡكَ بِيَمِينِكَ يَٰمُوسَىٰ
Ano yaong nasa kanang kamay mo, O Moises?”
آیت :
18
قَالَ هِيَ عَصَايَ أَتَوَكَّؤُاْ عَلَيۡهَا وَأَهُشُّ بِهَا عَلَىٰ غَنَمِي وَلِيَ فِيهَا مَـَٔارِبُ أُخۡرَىٰ
Nagsabi [si Moises]: “Ito ay tungkod ko; sumasandal ako rito at nagpapalagas ako [ng mga dahon] sa pamamagitan nito para sa mga tupa ko. Mayroon ako ritong mga pinaggagamitang iba pa.”
آیت :
19
قَالَ أَلۡقِهَا يَٰمُوسَىٰ
Nagsabi Siya: “Ihagis mo iyan, O Moises.”
آیت :
20
فَأَلۡقَىٰهَا فَإِذَا هِيَ حَيَّةٞ تَسۡعَىٰ
Kaya inihagis nito iyon saka biglang iyon ay naging isang ahas na sumisibad.
آیت :
21
قَالَ خُذۡهَا وَلَا تَخَفۡۖ سَنُعِيدُهَا سِيرَتَهَا ٱلۡأُولَىٰ
Nagsabi Siya: “Kunin mo iyan at huwag kang mangamba; magpapanumbalik Kami riyan sa unang lagay niyan.
آیت :
22
وَٱضۡمُمۡ يَدَكَ إِلَىٰ جَنَاحِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٍ ءَايَةً أُخۡرَىٰ
Idikit mo ang kamay mo sa tagiliran mo, lalabas ito na maputi na walang kasagwaan [ng ketong] bilang isa pang tanda,
آیت :
23
لِنُرِيَكَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا ٱلۡكُبۡرَى
upang magpakita Kami sa iyo ng ilan sa mga tanda Naming pinakamalalaki.
آیت :
24
ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ
Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.”
آیت :
25
قَالَ رَبِّ ٱشۡرَحۡ لِي صَدۡرِي
Nagsabi [si Moises]: “Panginoon ko, magpaluwag Ka para sa akin ng dibdib ko;
آیت :
26
وَيَسِّرۡ لِيٓ أَمۡرِي
magpadali Ka para sa akin ng [tungkuling] nauukol sa akin;
آیت :
27
وَٱحۡلُلۡ عُقۡدَةٗ مِّن لِّسَانِي
magkalag Ka ng buhol mula sa dila ko,
آیت :
28
يَفۡقَهُواْ قَوۡلِي
makauunawa sila sa sasabihin ko;
آیت :
29
وَٱجۡعَل لِّي وَزِيرٗا مِّنۡ أَهۡلِي
gumawa Ka para sa akin ng isang katuwang mula sa mag-anak ko,
آیت :
30
هَٰرُونَ أَخِي
si Aaron na kapatid ko;
آیت :
31
ٱشۡدُدۡ بِهِۦٓ أَزۡرِي
magpatindi Ka sa pamamagitan niya ng lakas ko;
آیت :
32
وَأَشۡرِكۡهُ فِيٓ أَمۡرِي
at magpalahok Ka sa kanya sa nauukol sa akin
آیت :
33
كَيۡ نُسَبِّحَكَ كَثِيرٗا
upang magluwalhati kami sa Iyo nang madalas
آیت :
34
وَنَذۡكُرَكَ كَثِيرًا
at umalaala kami sa Iyo nang madalas.
آیت :
35
إِنَّكَ كُنتَ بِنَا بَصِيرٗا
Tunay na Ikaw, laging sa amin, ay Nakakikita.”
آیت :
36
قَالَ قَدۡ أُوتِيتَ سُؤۡلَكَ يَٰمُوسَىٰ
Nagsabi Siya: “Binigyan ka nga ng hiling mo, O Moises.
آیت :
37
وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَيۡكَ مَرَّةً أُخۡرَىٰٓ
Talaga ngang nagmagandang-loob Kami sa iyo sa isa pang pagkakataon,