آیت :
17
فَكَانَ عَٰقِبَتَهُمَآ أَنَّهُمَا فِي ٱلنَّارِ خَٰلِدَيۡنِ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَٰٓؤُاْ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya ang kahihinatnan nilang dalawa ay na silang dalawa ay sa Apoy [ng Impiyerno] bilang mga mananatili roon. Iyon ay ang ganti sa mga tagalabag sa katarungan.
آیت :
18
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡتَنظُرۡ نَفۡسٞ مَّا قَدَّمَتۡ لِغَدٖۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh, at tumingin ang kaluluwa sa ipinauna niya para sa bukas. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo.
آیت :
19
وَلَا تَكُونُواْ كَٱلَّذِينَ نَسُواْ ٱللَّهَ فَأَنسَىٰهُمۡ أَنفُسَهُمۡۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡفَٰسِقُونَ
Huwag kayong maging gaya ng mga lumimot kay Allāh[627] kaya nagpalimot Siya sa kanila ng mga sarili nila.[628] Ang mga iyon ay ang mga suwail.
آیت :
20
لَا يَسۡتَوِيٓ أَصۡحَٰبُ ٱلنَّارِ وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِۚ أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ هُمُ ٱلۡفَآئِزُونَ
Hindi nagkakapantay ang mga maninirahan sa Apoy at ang mga maninirahan sa Paraiso. Ang mga maninirahan sa Paraiso ay ang mga magwawagi.
آیت :
21
لَوۡ أَنزَلۡنَا هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ عَلَىٰ جَبَلٖ لَّرَأَيۡتَهُۥ خَٰشِعٗا مُّتَصَدِّعٗا مِّنۡ خَشۡيَةِ ٱللَّهِۚ وَتِلۡكَ ٱلۡأَمۡثَٰلُ نَضۡرِبُهَا لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَفَكَّرُونَ
Kung sakaling nagpababa Kami ng Qur’ān na ito sa isang bundok ay talaga sanang nakakita ka rito na nagtataimtim na nagkabitak-bitak dahil sa takot kay Allāh. Ang mga paghahalintulad na iyon ay inilalahad Namin para sa mga tao nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.
آیت :
22
هُوَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِۖ هُوَ ٱلرَّحۡمَٰنُ ٱلرَّحِيمُ
Siya ay si Allāh na walang Diyos [na karapat-dapat] kundi Siya, ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Napakamaawain, ang Maawain.
آیت :
23
هُوَ ٱللَّهُ ٱلَّذِي لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلۡمَلِكُ ٱلۡقُدُّوسُ ٱلسَّلَٰمُ ٱلۡمُؤۡمِنُ ٱلۡمُهَيۡمِنُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡجَبَّارُ ٱلۡمُتَكَبِّرُۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Siya ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang Hari, ang Kabanal-banalan, ang Sakdal, ang Tagapagpasampalataya, ang Tagapagsubaybay, ang Makapangyarihan, ang Palasupil, ang Nakapagmamalaki. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang itinatambal nila!
آیت :
24
هُوَ ٱللَّهُ ٱلۡخَٰلِقُ ٱلۡبَارِئُ ٱلۡمُصَوِّرُۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ يُسَبِّحُ لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Siya ay si Allāh, ang Tagalikha, ang Tagapaglalang [na nagpasimula ng nilikha mula sa wala], ang Tagapag-anyo; taglay Niya ang mga pangalang napakagaganda. Nagluluwalhati sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.